|
Stupid. Stupid. Stoopid. Kapag nanonood ako ng TV, iniisip ko, my gash, hindi pa ko tapos sa patho. Kapag nagiinternet ako, iniisip ko, hindi ko pa tapos basahin ang med. Kapag late ako nagigising, iniisip ko, ano ba, babasahin ko pa ang surg. Kapag naglalaro ako ng The Sims 2, iniisip, shet, paano na ang fch? yung pedia? yung evaluation sa med? yung precepts sa surg? at ang nakakapantindig balahibo na patho? I haven't even been out of the house since Christmas (except for going to church, of course)! Hindi pa ko nakakapanood ng kahit isang movie sa MMFF, at hindi pa rin ako nag-popost Christmas shopping dahil sa influx ng moolah noong pasko. Kapag may nagtanong, "Sasama ka sa..." hindi pa nga tapos yung tanong, angal ko kagad eh "Magaaral pa ko!" Sa tingin ko nga eh, nagtatanong na lang sila para lang masabi na nagtanong sila. Alam na naman nila ang sagot. At ang masama pa doon, konti pa lang talaga ang naaccomplish ko, and to think all the damn exams are only a couple of days away. Bakasyon ba daw ang turing. Hmmph. |
| Leave a Comment: |